Mga ad agency na nangongopya ng promotional ads para sa Pilipinas dapat parusahan
Iginiit ni Senadora Nancy Binay, Chair ng committee on Tourism na panahon nang maparusahan ang advertising and creative agency na nagbibigay ng hindi orihinal na gawa para sa Television Commercial ng Department of Tourism
Dismayado si Binay dahil sa nakokompromiso aniya ang pamahalaan sa palpak na trabaho ng advertising agency.
Kaugnay ito ng bagong TV ad ng DOT na umani ng batikos sa netizens dahil kopyang kopya ang presentation nito sa isang tourism promotion ng South Africa.
Ayon kay Binay tila hindi na natuto ang DOT dahil hindi lamang ngayon nangyari ang ganito na tila kinopya ang promotional material sa advertisement ng ibang bansa
Taong twenty ten aniya, nabatikos din ang DOT at ang ad agency na campaign and grey dahil ang Pilipinas kay Ganda logo ay kinopya naman sa tourism logo ng Poland.
Giit ni Binay kung siya ang masusunod, dapat patawan ng parusa ang ad agency na gumawa ng tourism campaign material na walang originality dahil nilalagay nito sa kahihiyan ang bansa.
Ulat ni: Mean Corvera