Mga ahensiya na sangkot sa rehabilitation ng Marawi City nagpulong sa Malakanyang

Nagkaroon  ng pagpupulong sa Malakanyang ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Pinagunahan ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. ang pulong ng Task Force Bangon Marawi sub-cluster on housing.

Dumalo ang inter-agency group ng mga pinuno at miyembro ng Sub-Committee on housing mula sa Executive branch at iba pang stake holders.

Ilan sa mga natalakay sa ipinatawag na pulong ay ang probisyon ng mga housing unit na binabalangkas ng Housing and Urban Development Coordinating Council at National Housing Authority gayundin ng mga Local Government Units.

Kasama sa isinagawang pulong sina  DSWD Secretary Judy Taguiwalo, DILG OIC Catalino Cuy, Mindanao Development Authority Chair Abul Khayr Alonto at HUDCC Chairman Eduardo Del Rosario.

Ang Task Force ay binubuo ng limang  sub-committees na kinabibilangan ng DPWH, DOH,  DSWD, DTI  at DILG.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *