Mga ahensiyang tinapyasan ng pondo ng Kamara ibabalik ng Senado
Tiniyak ni Senador Loren Legarda na maibibigay ang nararapat ng pondo sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa kanilang ipapasang 2018 General Appropriations Act.
Ang pahayag ay ginawa ni Legarda Chairman ng Committee on Finance kasunod ng pagbibigay ng Kamara ng tig-1,000 pisong budget sa Commission on Human Rights, Energy Regulatory Commission at National Commission on Indigenous People o NCIP.
Sinabi ni Legarda na ipaglalaban nila sa bicameral conference committee ang pondo na nakalaan para sa ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Hindi naman inaalis ni Legarda ang posibilidad na magkaroon ng budget deadlock na magreresulta sa re-enactment budget o paggamit sa 2017 budget sa susunod na taon.
Ito, ayon kay Legarda ay mangyayari kung mabibigo ang Senado at Kamara na pag-isahin ang besyon ng budget Bill para sa 2018.
Ulat ni: Mean Corvera