Mga ahensya ng gobyerno kinalampag sa implementasyon ng Clean Air Act
Kinalampag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga ahensya ng gobyerno na mahigpit na ipatupad ang Republic Act No. 8749, o ang Clean Air Act.
Nababahala si GO, chairman ng Senate Committee on Health, dahil sa patuloy na paglala ng problema sa air pollution ng bansa.
Ayon sa mambabatas sa ilalim ng RA 8749 binibigyan ng mandato ang DENR na mahigpit na ipatupad ang batas base sa air quality standards ng World Health Organization (WHO) pero tila natutulog ang naturang kagawaran.
Iginiit ng Senador na ang polusyon ng hangin ay katulad lamang ng iba pang polusyon na isang seryosong problema sa kalusugan na makakaapekto sa tao.
Maraming sakit aniya ang nagiging sanhi ng pag langhap ng maruming hangin, tulad ng ubo, TB, pneumonia, asthma, at lung cancer kung saan pinaka-apektado ang mahihirap na kababayan lalo na ang mga natutulog sa kalye.
Meanne Corvera