Mga ahensya ng pamahalaan dapat maglatag ng mga paraan para maagapan ang pinsalang inaasahan dulot ng El Niño

Umapila si Leyte Representative Yedda Romualdez sa mga ahensya ng pamahalaan na maglatag ng mga plano kung paanong matutulungan ang mga nasa agriculture and power sectors na pangunahing apektado ng tagtuyot.

Ilan rito ayon kay Romualdez ay ang pagbibigay ng loan sa mga magsasaka maliban sa pagbibigay ng food supplies.

Pinatitingnan din ni Romualdez ang posibilidad ng pagkakaroon ng energy shortage dahil sa inaasahang pagbaba ng water supply sa mga major dams sa Luzon kabilang ang Angat dam sa Norzagaray, Bulacan.

Hinikayat rin nito ang mga ahensya ng pamahalaan na tingnan kung kinakailangan ng cloud seeding operations sa mga lugar na maaapektuhan ng El Niño Phenomenon.

Binigyang-diin ng Kongresista na dapat magdoble kayod hindi lang ang National government kundi maging ang mga nasa lokal na pamahalaan para hindi masyadong maging malaki ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *