Mga ahensya ng pamahalaan, inatasan ng Supreme Court na magkomento sa petisyon ukol sa bentahan ng reclaimed property sa Parañaque City
Pinagkukomento ng Korte Suprema ang ilang mga ahensya ng pamahalaan sa petisyong humihiling na mapawalang-bisa ang 472.04 million pesos na bentahan ng reclaimed property sa Paranaque City kung saan ngayon nakatayo ang Entertainment City, tatlumpung taon na ang nakakalipas sa Manila Bay Development Corporation o MBDC.
Ang petisyon ay inihain ni 1-SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta bilang myembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Marcoleta,ang bentahan ng nasabing 41-ektaryang lupain na ngayon ay mayroon nang tinatayang halaga na 61 billion pesos ay paglabag sa probisyon sa Saligang Batas na nagbabawal sa mga public land na maibenta sa korporasyon.
Ang property ay pag-aari ng Public Estates Authority na ngayon ay Philippine Reclamation Authority.
Nais ni Marcoleta na gumawa ng hakbang ang Office of the Solicitor General para mabawi ang property.
HIniling din ni Marcoleta na atasan ng Supreme Court ang Register of Deeds na kanselahin ang lahat ng certificates na base sa kontrata ng bentahan ng property, at magpalabas ang Commission on Audit ng “notice of disallowance” sa ibinentang property.
Ulat ni Moira Encina