Mga akusado sa Atimonan rubout, pinayagan ng Manila RTC na makapagpiyansa
Makakalaya pansamantala sina Police Supt. Hansel Marantan at iba pang mga akusado sa Atimonan Rubout sa Quezon Province noong 2013 na nahaharap sa kasong multiple murder.
Ito’y matapos payagan ng Manila Regional Trial Court Branch 34 na makapagpiyansa sina Marantan.
Sa resolusyon na pirmado ni Presiding Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu, pinaboran nito ang petition for bail ni Marantan at ng iba pang akusado na sina:
– Supt. Ramon Balauag
– Chief Inspector Grant Gollod
– Senior Inspector John Paolo Carracedo
– Senior Inspector Timoteo Orig
– SPO3 Joselito de Guzman
– SPO1 Carlo Cataquiz
– SPO1 Arturo Sarmiento
– PO3 Eduardo Oronan
– PO2 Nelson Indal
– PO1 Al Bhazar Jailani
– PO1 Wryan Sardea
– at PO1 Rodel Talento
Tatlong daang libong pisong pyansa ang itinakda ng hukuman para sa bawat akusado.
Labing-tatlong tao ang namatay nang harangin ng grupo ni Marantan sa isang checkpoint sa Atimonan, Quezon ang dalawang SUV sakay din ang sinasabing jueteng lord na si Vic Siman.
Sa saligang batas, pinapayagan ang bail para sa mga kaso na may katapat na parusang reclusion perpetua kung hindi matibay ang evidence of guilt laban sa akusado.
Ulat ni: Moira Encina