Mga alagang aso ni Lady Gaga, ninakaw
LOS ANGELES, United States (AFP) – Dalawang French bulldogs na pagmamay-ari ng US pop singer na si Lady Gaga ang ninakaw sa Los Angeles, matapos na barilin at masugatan ang isa sa kaniyang mga employee na naglabas sa mga aso.
Ayon sa Los Angeles police, kinuha ng gunman ang mga aso at tumakas lulan ng isang sasakyan, at isang lalaki na nasa mga edad 30 ang binaril at na-ospital, ngunit hindi kinumpirma ang pagkakakilanlan dito.
Sa ulat ng isang celebrity magazine, nag-alok si Lady Gaga ng 500-libo o kalahating milyong dolyar para maibalik ang kaniyang mga aso, na ang pangalan ay Koji at Gustav.
Ang ikatlong aso na ang pangalan ay Asia ay nabawi ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng pamamaril, na kalaunan ay kinuha na ng isa pang miembro ng staff ng singer.
Ang French bulldogs ay mahal na uri ng aso na naibebenta ng libo-libong dolyar ang halaga. Hindi malinaw kung target sa nangyaring insidente ang mga aso ni Lady Gaga.
Si Lady Gaga ay napaulat na nasa Rome para sa shooting ng “Gucci” ni Ridley Scott, kung saan ginagampanan nito ang papel ng dating asawa ng Italian fashion icon, na nakulong dahil sa pagpaplano sa asasinasyon nito.
© Agence France-Presse