Mga alegasyong ibinabato sa Facebook, pinabulaanan ni Zuckerberg
“Hindi totoo.” Ito ang naging tugon ng Facebook CEO na si Mark Zuckerberg sa mga alegasyong ibinabato sa social media giant.
Ayon kay Zuckerberg, hindi totoo na mas mahalaga sa kompanya ang profit kaysa safety, na kailangang i-regulate ang kompanya, na nakasasama ito sa mga bata at nagbubunsod ng dibisyon.
Sa isang note na kaniyang isinulat para sa mga empleyado ng Facebook, na kaniya ring ipinost sa kaniyang account ilang oras matapos tumestigo ng isang whistleblower sa US lawmakers, nakasaad na . . . “The argument that we deliberately push content that makes people angry for profit is deeply illogical.”
Aniya, wala siyang alam na tech company na lumilikha ng mga produktong magpapagalit sa tao o magiging sanhi ng depresyon.
Dagdag pa ni Zuckerberg . . . “The moral, business and product incentives all points in the opposite direction.