Mga alkalde at iba pang pulitiko na sangkot sa iligal na droga, binalaan ni Ozamiz City PNP Chief Jovie Espenido
Binalaan ni Ozamiz City PNP Chief Jovie Espenido ang mga alkalde at iba pang pulitiko na sangkot sa iligal na droga.
Sa panayam sa DOJ, hinamon ni Espenido ang mga Narco-politicians na magbitiw na lamang sa pwesto kung ayaw nilang matulad sa ibang halal na opisyal na dawit sa ipinagbabawal na gamot at para mas humaba pa ang kanilang buhay.
Nilinaw ni Espenido na wala silang napag-usapan ni Pangulong Duterte kung saan siya susunod na madedestino at wala rin itong naging direktiba sa kanya.
Nagtungo sa DOJ si Espenido para kumuha ng kopya ng reklamong isinampa laban sa kanya at iba pang tauhan ng Ozamiz PNP kaugnay sa Ozamiz 9 na napaslang sa serye ng police raid noong Hunyo a uno.
Pinahaharap ng DOJ si Espenido sa preliminary investigation sa reklamo sa kanya na itinakda sa August 15 at August 22.
Ipinagharap si Espenido ng reklamong paglabag sa Article 124 o arbitrary detention at Article 248 o murder sa ilalim ng revised penal code.
Ulat ni: Moira Encina