Mga antigong gamit ng Tribung Talaandig ng Bukidnon, nasa maayos pang kundisyon makalipas ang mahabang panahon

Ulat ni eaglenews correspondent Gessel M. Desucatan

Itinuturing na malaking kayamanan ng tribung Talaandig sa Pangantucan Bukidnon ang mga naiwang gamit ng kanilang mga ninuno.

Ito ang dahilan kung kayat ang mga ito ay kanilang pinakaiingatan at nasa maayos pang kondisyon hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa kanilang tribal leader na si Datu Antonio Dagoc, ang ilan sa mga ito ay ipinamana sa kanila at ang iba naman ay nakuha pa mula sa mga libingan ng kanilang mga ninuno.

Pinatutunayan anya nito ang mayamang kultura ng tribung Talaandig na dapat maitala sa kanilang kasaysayan.

Samantala, umapela naman si Tourism Officer Lea M. Apal sa National Commission for Culture and the Arts upang mai-dokumento at mapreserba ng maayos ang mga antigong gamit ng tribu.

Makabubuti rin aniyang mailagay sa museo ang mga ito upang makita pa ng mga susunod na henerasyon.

https://www.instagram.com/p/CEOZtDvACrZ/?utm_source=ig_web_copy_link

Please follow and like us: