Mga aplikante sa posisyon ng Ombudsman sasalang sa Public interview ng JBC ngayong araw
Sinimulan na ngayong alas-nueve ng umaga ng Judicial and Bar Council ang public interview sa mga aplikante para mabakanteng posisyon ng Ombudsman.
Una sa sasalang sa JBC ngayong umaga si Labor Secretary Silvestre Bello III.
Susundan ang kalihim nina Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz; dating abogado ni Pangulong Duterte na si Edna Batacan.
Haharap din sa JBC ang abogadong si Rey Nathaniel Ifurung at abogado ni Presindential son Paolo Duterte na si Rainier Madrid.
Mamayang hapon naman isasalang sa pagtatanong si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires; mga abogadong sina Felito Ramirez at Rex Rico at panghuli si dating Sandiganbayan Presiding Justice at kasalukuyang Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval.
Aplikante rin para sa posisyon si Davao Regional Trial Court Judge Carlos Espero pero hindi na siya sasalang sa JBC screening dahil may bisa pa ang huling interview sa kanya noong June 14, 2018 para sa posisyon ng Supreme Court Associate Justice.
Ang mapipili na bagong Ombudsman ni Pangulong Duterte mula sa shortlist na isusumite ng JBC ang magiging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magreretiro sa July 26, 2018.
Ulat ni Moira Encina