Mga araw para sa pagsasagawa ng National vaccination, dinagdagan
Inayos ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 at ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang target na output ng pagbabakuna para sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa mga pantulong na supply, partikular na ang mga syringe para sa Pfizer-BioNTech na mga bakuna, at iba pang logistical challenges
Mula sa orihinal na plano ng pagbibigay ng 15 milyong doses sa panahon ng “Bayanihan Bakunahan” mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, nagpasya ang NTF at NVOC na magbigay ng siyam na milyong shots o isang pang-araw-araw na national throughput target na tatlong milyong doses, kasunod ng serye ng mga konsultasyon sa local executives ng mga lalawigan, lungsod at munisipalidad sa buong bansa at sa resource management at logistics teams.
Para maabot ang goal na ganap na mabakunahan ang 54 na milyong Filipinos sa pagtatapos ng taon, nagtakda ang NTF at NVOC ng panibagong tatlong araw na pagbabakuna, mula December 15-17.
Batay sa joint statement ng NTF at NVOC, inasahan ng Department of Health (DOH) ang dami ng required syringes para sa Pfizer-BioNTech vaccines, ngunit ang naka-schedule na shipment ng biniling supplies sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ay naantala dahil sa kasalukuyang kakulangan sa buong mundo.
Ayon sa statement . . . “As we know, sufficient ancillary supplies for each of the vaccine brands is essential in the conduct of the National Vaccination Days, as a significant number of those who will be vaccinated will include the younger population or those aged 12 to 17 years old.”
Sinabi naman ng Food and Drug Administration, na puwedeng gamitin sa minors ang Pfizer o Moderna vaccines.
Ang mga nabanggit na brand na gawa sa US ay ginamit din bilang booster shots at third doses para sa health care workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.
Ang “Bayanihan Bakunahan” ay naka-focus sa pagpapalawak ng sakop ng hanggang 70 percent at booster jabs, habang ang December 15 to 17 activities naman ay magbibigay ng second doses at dagdag na booster.
Nakasaad pa rin sa magkakasamang pahayag mula kay NTF chief Secretary Carlito Galvez, Jr., Presidential Adviser for Covid-19 Response at NTF deputy chief Secretary Vince Dizon . . . “The NTF and NVOC, along with our partners from all levels of government and the private sector, are committed to achieve our goal, and that is to have a better, merrier, and happier holidays. Again, we enjoin everyone to get vaccinated and be a hero to your family and loved ones..”