Mga armadong pulis, nakita sa loob ng isang eskuwelahan
Nakarating sa kaalaman ng Department of Education (DepEd), ang insidente kung saan may presensiya ng mga unipormadong pulis bitbit ang kanilang mga armas sa loob ng isa sa pilot schools ng limited face-to-face classes.
Batay sa field report, ang police officers ay bahagi ng security detail ng isang LGU official na bumisita sa paaralan.
Upang maiwasan ang katulad na pangyayari sa hinaharap, nagpaalala ang kagawaran sa field official at school heads, na mahigpit na ipatupad ang National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace (Department Order No. 32, s. 2019).
Malinaw na nakasaad sa polisiya . . . “Schools, as a general rule, should be free from the presence of armed combatants, whether they be from government forces or armed groups. Armed force protection units from government forces, if needed, shall be situated proximate to the school and not inside the school.”
Samantala, nagpasalamat ang DepEd sa suporta ng iba’t-ibang stakeholders at partners sa pagsisikap ng kagawaran na i-reintroduce ang face-to-face classes, subalit kailangang sumunod sa umiiral na mga polisiya sa mga paaralan.
Ayon sa DepEd, dapat magtulungan ang kagawaran at stakeholders upang matiyak na ang mga gabay sa mga paaralan bilang “Zones of Peace,” kung saan ang mga mag-aaral ay makararamdam ng kaligtasan, katiwasayan, at pag-aalaga ay natutupad.