Mga atletang Pinoy na nakapag-uwi ng medalya sa katatapos na SEA Games sa Malaysia pinarangalan ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

Tumanggap ng parangal at insentibo ang mga atletang Pinoy na nakapag-uwi ng medalya sa katatapos na 29th Southeast Asian Games sa Kula Lumpur Malaysia.

Ang dalawaput apat na atletang Pinoy na nakasungkit ng gold medal ay nakatanggap ng tig 300 libong piso, tig 150 libong piso sa 33 atletang nakakuha ng silver medal at tig 60 libong piso naman sa 64 na nakakuha ng bronze medal.

Ang monetary incentives para sa mga atletang nakapag-uwi ng karangalan para sa bansa mula sa international competition ay nakapaloob sa Republic Act 10699.

Si Trent Anthony Beram ng track and field ang may pinakamalaking insentibong natanggap na umabot sa 600 libong piso dahil nakakuha ito ng dalawang gintong medalya mula sa kanyang panalo sa 200 meter dash at 400 meter run.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *