Mga ayaw magpabakuna kontra Covid-19, pagbabawalan nang lumabas ng bahay
Binabalak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng kautusan na nagbabawal lumabas ng bahay ang mga walang bakuna laban sa COVID 19.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People nakarating sa kanyang kaalaman na mayroon pa ring ayaw magpabakuna laban sa COVID 19 lalo na at nakapasok na sa bansa ang Delta variant.
Ayon sa Pangulo dahil walang batas na magpaparusa sa mga ayaw magpabakuna ang tanging magagawa lamang ay utusan ang mga Barangay official na pabalikin sa kanilang bahay ang mga wala pang bakuna para hindi makagala.
Inihayag ng Pangulo ngayong nakapasok na sa bansa ang Delta variant, ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan para makontrol ang pagkalat ng mas mabagsik na karamdaman.
Part of PRRD’s statement:
“Now ito ngayong ayaw magpabakuna, sinasabi ko sa inyo huwag kayong lumabas ng bahay kasi ‘pag lumabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis eh ibalik ka doon sa bahay mo. You will be escorted back to your house because you are a walking spreader. Walang katapusan ito kung pagbigyan ko lang kayo. ‘Pag mahina ang loob ko dahil mag-iyak-iyak kayo diyan, eh ibang istorya ito, adre. Bayan itong pinag-uusapan natin kaya kung ayaw ninyong makatulong by having the vaccines, eh ‘di huwag na lang kayong lumabas ng bahay.It behooves upon really the barangay captains. Trabaho talaga ng barangay captains iyan eh to go around to see who are vaccinated and who are not, and to give the appropriate warning that they should not be going around because they are throwing viruses left and right”