Mga bagong kaso ng COVID-19, bumaba ng 16% nitong nakalipas na linggo
GENEVA, Switzerland (AFP) — Inihayag ng World Health Organization (WHO), na bumaba sa 2.7 million o 16% ang bilang ng mga napaulat na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong nakalipas na linggo.
Sa kanilang lingguhang epidemiological update, sinabi ng WHO na bumaba rin maging ang napaulat na mga bagong kaso ng pagkamatay sa 81,000 o 10%.
Lima sa anim na WHO regions ng mundo ang nag-ulat ng double-digit percentage decline sa mga bagong kaso, kung saan tanging ang Eastern Mediterranean lamang ang nagpakita ng pagtaas sa seven percent.
Ang mga bagong case number ay bumaba sa 20 percent nitong nakalipas na linggo sa Africa at Western Pacific, 18 percent sa Europe, 16 percent sa Americas at 13 percent sa southeast Asia.
Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang bilang ng mga bagong kaso ay nabawasan sa magkakasunod na limang linggo, na bumaba ng halos kalahati, mula sa dating higit limang milyong kaso mula Enero 4.
Ayon kay Tedros . . . “This shows that simple public health measures work, even in the presence of variants. What matters now is how we respond to this trend. The fire is not out, but we have reduced its size. If we stop fighting it on any front, it will come roaring back.”
Ang binabanggit na variant na unang natukoy sa Britanya, ay napaulat din sa 94 na mga bansa ngayong linggo, mula nitong Lunes.
Ang Local transmission naman ng variant, ay napaulat sa hindi bababa sa 47 mga bansa.
Ang variant na unang nadiskubre sa South Africa ay napaulat din sa 46 pang mga bansa, kung saan may local transmission sa halos 12 sa nabanggit na mga bansa.
Ang tinatawag na Brazilian variant ay na-detect sa 21 mga bansa, kung saan may local transmission sa halos dalawa sa nabanggit na mga bansa.
Samantala, nitong Lunes ay ibinigay na ng WHO ang seal of approval sa AstraZeneca-Oxford vaccine na ginagawa sa mga planta sa India at South Korea. Ibig sabihin ay maaari na ito ngayong ibiyahe sa pamamagitan ng Covax upang mas maraming mga bansa ang makakuha ng bakuna.
Ayon sa WHO co-led facility . . . “Covax anticipates the bulk of the first round of deliveries taking place in March, with some early shipments… occurring in late February. Deliveries for this first round of allocation will take place on a rolling basis and in tranches.”
Ang ilan sa 145 mga bansang kasama sa Covax, ay nakatakdang tumanggap ng sapat na doses para bakunahan ang 3.3 percent ng kanilang populasyon sa kalagitnaan ng 2021.
© Agence France-Presse