Mga bagong kaso ng subvariants ng Omicron naitala sa bansa
Nadagdagan pa ang mga bagong kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariant sa bansa.
Mula sa 211 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center at National Institutes of Health, may 43 BA.5, 20 BA.2.12.1, at 7 BA.4 cases ang natukoy.
Sa 43 BA.5 na ito, 42 ang local cases at returning overseas filipino ang isa, sa 20 BA.2.12.1 ay 16 ang local cases at ROF ang 4, habang lahat naman ng 7 BA.4 cases ay local at ROF.
Ayon sa Department of Health, sa ngayon ay umabot na sa 190 ang naitalang nagpositibo sa Omicron Variant of Concern at sublineages nito.
Sa 190 Omicron variant of concern na ito, 185 ang local cases at 5 ang Returning Overseas Filipino.
Sa kabuuan umabot na sa 7,919 ang naitalang omicron cases sa bansa.
Tiniyak naman ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na sa kabila nito nananatiling nasa low risk ang hospital bed utilization sa bansa at walang naitalang nasawi dahil sa Omicron sub-variants.
Madelyn Villar-Moratillo