Mga bagong opisyal ng SBMA, itinalaga ni Pangulong Marcos
Humirang ng tatlong bagong board of directors sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga ito ang mamamahayag at Presidente ng Justice Reporters’ Organization (JUROR) na si Edelberto Mozo bilang board member na kumakatawan sa Business and Investment Sectors ng SBMA.
Nanumpa na si Mozo sa puwesto kay Senior Deputy State Prosecutor Miguel Gudio.
Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Tomas Fausto Lahom III bilang miyembro rin na kumakatawan sa Business and Investment Sectors ng SBMA.
Kasama rin sa bagong appointee si Dr. Allan Troy Baquir na dating OIC ng National Center for Mental Health bilang miyembro na kumakatawan sa National Government.
Moira Encina