Mga bakuna kontra Covid-19, ligtas sa pananalasa ng bagyong Maring- NTF
Walang napinsalang anti-COVID-19 vaccine sa pananalasa ng bagyong Maring sa Northern Luzon.
Ito ang inireport ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Sinabi ni Galvez na batay sa report na tinaggap ng NTF mula sa mga regional field office ng Department of Health, safe lahat ang mga anti-COVID-19 vaccine sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Maring.
Ayon kay Galvez bagamat nagkaroon ng power cut-off sa mga lugar na pininsala ng bagyong Maring, napanatili ang required temperature sa mga pinag-imbakan ng bakuna dahil mayroong standby power generator.
Inihayag ni Galvez magpapatuloy ang vaccination rollout sa mga dinaanan ng kalamidad.
Vic Somintac