Mga bakunang malapit nang ma-expire, ido-donate
Plano ng Department of Health (DOH), na i-donate na lamang sa mga bansang may mababang bilang ng mga nababakunahan, ang COVID-19 vaccines na malapit nang ma-expire.
Aminado si Health Secretary Francisco Duque III, na malapit nang ma-expire ang maraming stock ng bakuna sa bansa, kaya balak ng DOH na i-donate ito upang mapakinabangan.
Ayon kay Duque, tuloy-tuloy naman ang pagdating sa bansa ng mga bagong bakuna mula noong October 2021, kaya sapat pa rin ang stock ng Pilipinas.
Kabilang sa mga bansang tinukoy na maaaring pagbigyan ng mga nabanggit na bakuna, ay ang Myanmar, Cambodia, at mga bansa sa Africa.
Please follow and like us: