Mga bangko inabisuhan ng BSP para ipaalala sa mga kliyente na magrehistro ng SIM card bago ang July 26 extended deadline
Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) na maging pro-active sa pagpapaalala sa mga kliyente nito na iparehistro ang kanilang SIM cards bago ang extended deadline sa Hulyo 26.
Sa memorandum na inilabas ng central bank sa BSFIs, sinabi na sa pamamagitan ng SIM registration ay matitiyak na walang magiging abala sa mga customer sa pagbabayad at mga pinansyal na transaksyon sa mga bangko.
Ito’y upang maipagpatuloy ng mga kliyente ng BSFIs ang kanilang transaksyon sa kanilang accounts, maiwasan ang anumang interruptions sa mga proseso gaya sa transaction authorization, at makatanggap pa rin ng mga advisory o alerto sa mga transaksyon.
Itinuturing ng BSP na kritikal o mahalaga para sa digital transformation ng bansa ang SIM card registration.
Moira Encina