Mga barangay captain inatasan ni Pangulong Duterte na huwag palabasin ang mga walang bakuna laban sa COVID-19
Pinagbabatayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Barangay Captain ang mga wala pang bakuna laban sa COVID-19 upang hindi makalabas sa kanilang tahanan.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan sa kanyang regular weekly Talk to the People kaugnay ng desisyon ng Inter Agency Task Force o IATF na limitahan ang galaw ng mga hindi bakunado na vulnerable na mahawaan ng COVID-19 lalo na at nakapasok na sa bansa ang Omicron variant.
Sinabi ng Pangulo dahil nasa ilalim parin ng state of national health emergency ang buong bansa dahil sa pandemya ng COVID-19 may kapangyarihan ang estado na protektahan ang kalusugan ng publiko.
Ayon sa Pangulo ang mga Barangay Captain ay itinuturing na mga persons in authority para magpatupad ng batas kasama na dito ang desisyon ng Metro Manila Council sa pamamagitan ng ordinansa ay nililimitahan ang galaw ng mga mamamayan na hindi pa bakunado laban sa COVID- 19 sa ilalim ng alert level 3.
Inihayag ng Pangulo makakatulong ng mga Barangay Captain ang mga Barangay Tanod bilang agent of person in authority na aalalayan naman ng mga kagawad ng pambansang pulisya para bantayan ang galaw ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Vic Somintac