Mga Barangay captain na apektado sa Drug list, maaaring magsampa ng kaso laban sa PDEA
Hinimok ni Senador Panfilo Lacson na kasuhan ng libelo ng mga Barangay officials ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kung sa tingin nila ay naapektuhan sa ipinalabas na narcolist ng ahensya.
Aminado si Lacson na hindi nakabuti ang ginawa ng PDEA na inilabas ang listahan ng mga baranggay officials na umanoy dawit at protektor ng illegal drugs operations.
Paliwanag ng Senador makakaapekto kasi ito lalo na sa law enforcement dahil maaring itago na ng mga barangay officials ang posibleng mga ebidensya.
Malaking dagok din aniya ito sa mga Barangay officials na nadawit ang pangalan pero walang direktang ebidensya na mag uugnay laban sa kanila.
Nauna nang napaulat na ilang Baranggay officials na ang hindi na lumalabas ng bahay habang iniurong ng iba ang kandidatura sa Barangay at SKelections sa May 14 matapos madawit sa listahan ng PDEA.
Ulat ni Meanne Corvera