Mga Barangay official na may mataas na kaso ng droga at krimen sa kanilang nasasakupan binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte
Pinakilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government o DILG na tutukan ang mga Barangay na may malalang kaso ng ilegal na droga at krimen.
Sinabi ng Pangulo na ipasisibak niya ang mga Barangay officials na hanggang ngayon ay talamak pa rin ang operasyon ng ilegal na droga at iba pa ang krimen.
Ayon sa Pangulo dapat sa loob ng 72 oras ay maresolba ng mga Barangay officials ang mga krimeng nagaganap sa kanilang nasasakupan tulad ng pagpatay at rape na may kaugnayan sa iligal na droga.
Inihayag ng Pangulo may legal na batayan dahil ito ay Gross neglect of duty para maalis ang isang opisyal ng gobyerno kapag napatunayang nagpapabaya ang mga ito sa kanilang tungkulin.
Ulat ni Vic Somintac