Mga barangay officials at mga nagnanais tumakbo sa Barangay at SK elections, dapat sumailalim sa Drug test- Albayalde

Pinabulaanan ni National Capital Regional Police office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang mga lumabas na balita na pinasusuko niya umano ang mga Barangay officials na nasa Drug watchlist.

Sa panayam ng programang Eagle in Action sinabi ni Albayalde na ang sinabi niya aniya ay dapat sumailalim sa drug test ang mga opisyal ng barangay lalu na’t may plano ang mga ito na tumakbo sa halalan.

Sa ganitong paraan aniya ay maipapakita sa publiko na malinis ang mga nangangasiwa sa kanilang mga barangay.

Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na maigting ang kanilang pagbabantay para sa nalalapit na Barangay at SK elections lalu na ang mga lugar na nasa Election watchlist.

Dito sa NCR, mayroong tayong tinatawag na mga election watchlist areas. Concerned natin doon yung peace and order during election time at mayroong mga incidents of violence partikular na po yung may mga shooting incidents na election related violence, yan ang tinututukan din natin. Alam naman natin ang Barangay election ay medyo personal din ito, pami-pamilya, kai-kaibigan kaya ito ay may emosyon na kasama”.

 

======================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *