Mga Barangay officials na hindi susunod sa paglilinis ng mga obstruction sa kanilang lugar, pinasususpinde ni Mayor Isko Moreno
Irerekumenda ni Manila Mayor Isko Moreno na masususpinde ang mga opisyal ng Barangay na bigong makasunod sa paglilinis ng kanilang mga lugar mula sa mga obstruction.
Ayon sa alkalde, dapat panagutin ang mga pasaway na Barangay official na mistulang minamaliit ang gobyerno.
Hindi lang aniya dapat na basta sampolan ang mga ito bilang pang press release..kundi dapat ay kasuhan ng administratibo ang mga ito.
Aminado si Moreno na sa Maynila..may mga opisyal ng Barangay ang makakasuhan dahil sa hindi pagsunod sa paglilinis sa kanilang lugar.
Biro pa ng alkalde sa mga ito, bumili ng sariling isla na hindi sakop ng gobyerno ng pilipinas kung ayaw nilang magpasakop sa mga ipinatutupad na patakaran o batas mg gobyerno.
Giit ng alkalde..dapat matutong sumunod sa pamahalaan ang mga opisyal ng Barangay na ito.
Tiniyak ni Moreno na hanggang sa matapos ang kanyang termino ay tuloy tuloy ang kanilang clearing operations sa mga obstruction o mga sagabal sa kalsada at hindi sila titigil kahit tapos na ang deadline ng DILG.
Sa lahat ng lungsod aniya…ang Maynila ang may pinakamaraming obstruction na kailangang linisin kaya naman nagpapasalamat sya na lahat ng ahensya at departamento sa lokal na pamahalaan ng maynila ay nagtutulungan.
Ulat ni Madz Moratillo