Mga barko ng US at Japan na lalahok sa trilateral maritime exercise sa Pilipinas, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang mga barko ng US at Japan Coast Guards na sasali sa kauna-unahang trilateral marine exercises kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).
Isang seremonya ang inihanda ng PCG sa pagdating ng dalawang barko at kanilang mga opisyal at personnel na lalahok sa tinawag nilang ‘Kaagapay’ maritime exercise.
Ang USCGC Stratton ay isang third legend-class United States Coast Guard (USGS) Cutter na may habang 418 feet at may bilis na 28 Knots.
Ang barko naman ng Japan Coast Guard (JCG) na Akitsushima ay may habang 91.7 meters at nagsilbing sole cruiser para sa Imperial Japanese Navy.
Ang trilateral exercise ay gagawin sa Mariveles, Bataan sa susunod na linggo kung saan tinatayang nasa 400 coast guard personnel ang lalahok.
Kumpyansa naman ang US Coast Guard na magiging matagumpay ang gagawin nilang aktibidad na ito.
“This engagement will build on many successful bilateral engagement of the past and former foundation interoperability, proficiency and teamwork between our nation and between our coast guard,” pahayag sa talumpati ni Captain Brian Krautler, commanding officer ng USCGC Stratton.
Muli namang iginiit ng PCG na walang kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing maritime exercise.
“This is an exercise between 3 agencies. We enhance our capabilities. This has nothing to do with the West Philippine Sea,” payahag ni Rear Admiral Armand Balilio, tagapagsalita ng PCG.
Ilan sa magiging highlight ng aktibidad ay may kaugnayan sa search and rescue, illegal fishing at iba pa.
Madelyn Moratillo