Mga barkong dumadaong sa mga pantalan, kasama sa mga tututukan ng DENR sa paglilinis ng Manila Bay
Kasama sa mga tinututukan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang tuluyang malinis ang Manila Bay ay ang mga basura at polusyong ibinabagsak ng mga barkong dumadaong sa mga pantalan.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, may mangilan-ngilan lamang na mga International shipping ang hindi sumusunod sa alintuntunin ngunit ang talagang mga nagiging pasaway ay ang mga domestic shipping companies.
Dahil dito, isasama na rin aniya nila sa Mandamus ang Philippine Coastguard upang malaman kung bakit may mga nakakalusot pa ring mga barko na walang sariling water treatment plant.
“Yung mga domestic natin, yun ang mga pinaka-pasaway sa lahat kung kaya’t kasama sa operasyon natin at amin pong tatrabahuhin isa-isa yan”- DENR USEC Benny Antiporda
==================