Mga bata hindi kasama sa Clinical trial sa mga gamot sa COVID-19 — DOH
Nilinaw ng Department of Health na hindi pa kasama ang mga bata sa mga ginagawa ngayong clinical trials para sa posibleng gamot o bakuna kontra COVID-19.
Ginawa ng DOH ang pahayag kasunod ng mga tanong kung mabibigyan ba ng bakuna kontra COVID-19 ang mga bata.
Paliwanag ng DOH, hindi muna isinama ang mga bata sa Clinical trials dahil dapat matiyak munang ligtas ang mga bakunang ito.
Paliwanag ng DOH, ang mga bakuna ay sumasailalim sa iba’t ibang clinical trials stages upang masiguro na ligtas at mabisa ang mga ito.
Ayon pa sa DOH, matagal ang vaccine development kaya dapat din itong maunawaan ng publiko.
Sa ngayon wala pa rin umanong katiyakan kung magkakaroon na ba talaga ng bakuna sa COVID-19.
Madz Moratillo