Mga batang edad 5 hanggang 6 na taon, mahalagang maprotektahan laban sa Hepatitis-B
Isinagawa ng Department of Health o DOH ang malawakang screening upang magkaroon sila ng datos kung ilan ang mga batang dinapuan ng Hepatitis B.
Nilayon umano nito na malaman at makagawa ng kaukulang programa kung gaano ba ka-epektibo ang ginagawang pagbabakuna.
Ayon sa DOH, lalabas lamang ang mga sintomas ng Hepatitis B kapag ito ay malala na, kung kaya, mainam na hangga’t maaga ay malaman ito sa pamamagitan ng screening.
Kapag napabayaan ang Hepatitis B, ay posible itong humantong sa Liver cancer.
Sa kasalukuyan ay wala pang lunas para sa sakit ngunit maaari itong makontrol kaya’t layon din ng screening na mabigyan ng edukasyon ang mga magulang kaugnay sa sakit.
Makatutulong ang pagbabakuna sa mga bata pagkasilang para maprotektahan sa naturang sakit.
Kailangan din sundin ng mga magulang ang follow-up doses ng bakuna.
Ulat ni Belle Surara