Mga batang Palestinian sa timog Gaza binakunahan na laban sa polio sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan
Nagtipon sa medical centers sa timog ng Gaza Strip ang mga Palestinian, upang pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio, sa second stage ng isang kampanya na 187,000 mga bata ang nakinabang.
Ayon sa U.N. Palestinian refugee agency na UNRWA, “The campaign, taking place after Hamas and Israel agreed on limited pauses in their fighting, was so far successful but complex.”
Subalit ang labanan ay nagpatuloy sa ibang lugar sa enclave, kung saan iniulat ng Gaza health authorities na may ilang kataong namatay sa Israeli airstrikes, kabilang ang isa na tumama sa isang ospital sa central Gaza.
At sa kabila ng tagumpay ng polio campaign, ang mga diplomatikong pagsisikap na magkaroon ng permanenteng tigil-putukan sa digmaan, ang pagpapalaya sa mga bihag na nasa sa Gaza, at ang pagbabalik ng mga Palestinian na ikinulong ng Israel ay bigo pa rin.
Photo: Screen grab from Reuters FB
Huwebes nagsimula ang mga pagbabakuna sa Rafah at Khan Younis sa timog ng Gaza, ang dalawang lugar na bugbog na sa giyera at naging takbuhan ng libu-libong mga tao na tumakas din mula sa ibang bahagi.
Kuwento ni Ikram Nasser, na isa sa nakipila para pabakunahan ang kaniyang anak, “The threat of polio had only increased people’s fears. We live based on fear, from the bombing, from the terror, from the destruction, from the injuries. We add to that the fear of diseases that have spread, such as skin diseases, from the lack of cleanliness and the crowding.”
Sa isang pahayag ay sinabi ng UNRWA, “The vaccination campaign had moved to southern areas with teams mostly in Khan Younis. At this critical time, area pauses must be respected to protect families and humanitarian workers.”
Kabilang sa mga bibigyan ng bakuna ay mga taong pinuwersa ng Israeli military na lisanin ang Rafah, malapit sa border sa Egypt, kung saan nago-operate ang Israelu forces simula pa noong Mayo upang tugisin ang Hamas fighters.
Photo: Screen grab from Reuters FB
Samantala, sinabi ng Israeli military na inaalam na nila ang ulat tungkol sa sinasabi ng Gaza health ministry, na tinanggihan ng Israeli forces ang medical teams na magtungo sa silangan ng Salahuddin road upang bakunahan ang mga batang naninirahan sa eastern communities ng southern cities.
Target ng health officials na mabakunahan ang 640,000 mga bata sa Gaza kontra polio, na inilunsad makaraang madiskubre ang isang kaso ng isang taong gulang na sanggol na bahagyang naparalisa.
Ito ang unang nadiskubreng kaso sa Gaza, na isa sa pinakamataong lugar sa mundo, sa loob ng 25 taon.
Muli itong lumitaw nang bumagsak ang health system ng Gaza, at maraming mga ospital ang hindi na napakinabangan dahil sa giyera.
Sabi ng isang Gaza resident na si Osama Brika na sinamahan ang kaniyang pamangkin sa isang medical facility para makapagpabakuna, “My message to the world is that just as you provided us with vaccination so that our children would be safe, you must provide us with a ceasefire and a stop to this war, as this war is a real catastrophe for us.”
Photo: Screen grab from Reuters FB
Ayon sa UNRWA, “Good progress was being made in rolling out the polio vaccine to children but a permanent ceasefire in the 11-month-old war was needed to ease humanitarian suffering.”
Samantala, ipinagpatuloy ng Israeli forces ang kanilang operasyon sa ilang lugar sa magkabilang panig ng Palestinian enclave, upang kalabanin ang Hamas fighters at ang Islamic Jihad militant group.
Sinabi ng Gaza health officials, na ang Israeli airstrike ay pumatay ng limang Palestinians sa Al-Aqsa Hospital sa Deir Al-Balah sa central Gaza Strip noong Huwebes.
Ang mga biktima ay nasa isang tent encampment sa loob ng compound ng ospital, kung saan nanganganlong ang mga taong na-displace.