Mga bawal gawin ng mga kandidato sa panahon ng kampanya sa gitna ng pandemya inilabas ng IATF
Inilatag na ng Inter Agency Task Force o IATF ang ilang mga aktibidad na ipinagbabawal sa mga kandidato sa campaign period para sa eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na batay sa guidelines ng Commission on Elections o COMELEC at Department of Interior and Local Government o DILG kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang pagpasok ng mga kandidato sa mga bahay sa panahon ng pangangampanya.
Bawal din ang mga pakikipagkamay, pagyakap, paghalik at kapit bisig o anupamang aktibidad na may physical contact.
Hindi rin pinapayagan ang selfies o pagkuha ng larawan na malapit sa isat isa ganun din ang pamumudmod o pamimigay ng mga pagkain at inumin sa mga botante.
Ayon kay Nograles epektibo rin ang mga pagbabawal na ito sa mga caucus, pulong, conventions, rallies at meeting de avance.
Magsisimula ang panahon ng kampanya sa February 8 para sa National positions at March 25 naman para sa Local positions.
Vic Somintac