Mga ‘Big No-No‘ kay Doggy at Muning
Hello, mga kapitbahay! May pets ba kayo? Aso at pusa ba? Naitanong ko lang kasi isang beterinaryo ang nakausap natin sa programa kamakailan, si Dr. Reign Zander Castro.
Sabi ni Doc. Reign, ang ibibigay niyang mga kaalaman ay yaong mga karaniwang problema ng ating mga alagang aso at pusa . Isa na rito ay ang ukol sa pagbibigay ng paracetamol. Hindi po dapat dahil sa
ito ay hindi nada-digest ng pets.
Alam n’yo po ba na puwede pa itong maging dahilan ng kidney failure, liver disease, and other complications, at kapag hindi naagapan, mauwi sa kamatayan. Ang reason kung bakit hindi puwede ang paracetamol, ito ay may sangkap na acetaminophen which can lead to kidney failure.
Isa pa, dito sa Pilipinas ang daming pet owners na nagbibigay ng tirang pagkain sa kanilang alagang aso at pusa gaya ng buto, tinik ng isda. Hindi po ito maganda sa aso at pusa. Ang buto ay nagiging
dahilan ng pagbubukol ng bituka dahil dito puwedeng makaranas ng severe vomiting, pag-ikot ng bituka at mauwi sa surgical operation.
Samantala, hindi dapat pinapakain ng tinik ang pusa. Masyadong matulis ang tinik kaya puwedeng makasugat sa bituka ng pusa. Kaya mataas ang banta sa buhay ng inyong alaga kapag binigyan ninyo sila ng tinik.
Isa pa sa bawal ay chocolate. Hindi nada-digest ng aso at pusa ang chocolate. Puwede silang magka liver disease at magsuka.
Minsan sa sobrang taas ng certain substance na nasa chocolate, this can lead to death. Kaya bawal ang chocolate lalo na ang dark chocolate.
Kung chicharon o chips, puwede na siguro? Naku, hindi rin po, sabi ni Doc Reign! Eto pa, merong tinatawag na salt poisoning sa mga alagang hayop. Hindi nila kayang tunawin ang daming asin sa katawan. Puwedeng mauwi sa tremor, fever, depression, and seizure. Kahit nga french fries ay bawal din.
Ang paalala ni Doc Reign, maging responsible pet owners tayo. Pabakunahan ang mga alagang aso at pusa para mabawasan ang sakit nila, at sakit na rin ng tao. Tandaan na ang ating mga alagang hayop ay
maaaring makapaglipat ng iba ibang sakit kapag hindi bakunado.
Sana ay nakapagdagdag Mulki kami ng kaalaman sa inyo sa pamamagitan na rin ng ating mga naging panauhin. Until next time!
END