Bike repair stations, inilagay ng SK officials sa Bacao 2, General Trias City para sa mga siklista

Naglagay ng apat na “bike repair stations” ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Bacao 2 sa General Trias City sa kahabaan ng Centennial road sa naturang lugar.

Ang bawat bike repair station ay  mayroong air pump at tools sa tabi ng kalsada para magamit sa pagsasaayos ng mga nagbibisikleta.


Ginawa ng mga opisyal ng SK ang proyektong ito sa kanilang brgy. dahil sa nakita nila ngayon na mas marami ang gumagamit ng bisikleta lalo na ngayong may pandemiya sa bansa dahil sa Covid 19.


Ayon kay Bacao 2 SK Chairman Carlo dela Cruz may karagdagan pang apat na bike repair station ang kanilang inihahanda at ilalagay sa kanilang baranggay dahil halos karamihan din ng mga gumagamit ng bisikleta sa kanilang lugar ay mga manggagawa ng Cavite Export Processing Zone (CEPZ) sa General Trias at sa Rosario at dumaraan sa kanilang lugar.


Umani naman ng papuri mula sa mga siklista ang naturang proyekto ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Bacao II sa General Trias City Cavite. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: