Mga biktima ng pang-aabuso ng umano’y pinuno ng kulto sa Socorro, Surigao Del Norte humarap sa Senado.
Emosyonal na humarap na sa pagdinig ng Senado ang ilan sa mga menor de edad na biktima ng rape, sexual abuse, child exploitation, trafficking, child marriage at iba pang kaso ng pang aabuso ng umanoy pinuno ng kulto na Socorro Bayanihan Services Incorporated sa sitio kapihan sa Surigao del Norte.
Sa joint hearing ng Senate Committee on Public Order at Women Children and Family Relations, sinabi ng kinse anyos na si Alyas Jane na tumakas siya sa kulto dahil sapilitan siyang ipinakasal at hindi sya pinag-aral.
Kwento ni Jane, katorse anyos siya nang ipakasal sya sa isang 18 anyos na hindi niya kakilala.
Ang proseso, papipilahin ang batang babae na may edad na dose pataas at 18 sa mga lalake at ang kanilang lider na si Jay Rence Quilario alyas Senyor Aguila ang pipili ng mapapangasawa.
Sa loob ng tatlong araw matapos maipakasal kailangan nilang makipatalik sa napangasawa.
Bukod sa asawa, inoobliga sila na makipagtalik kay Senyor Aguila na kapag hindi nila pinayagan, dadalhin sila sa fox house doon ikukulong at papatawan ng parusa tulad ng pagpaddle ng baril na gawa sa kahoy.
Kwento naman ni Renz, tumakas siya dahil dose na anyos na siya pero hindi pa sya marunong bumasa
Ikinukulong aniya sila sa kapihan at doon sinasanay para maging sundalo.
Pinatunayan ng testigo na si Mark Vergel Gelsano ang pahayag ng dalawang bata
Sabi ni Gelsano kumalas siya sa kulto noong nakaraang taon dahil nasaksihan niya ang mga maling patakaran ng grupo
“Sinasabi. Nagkakasala sila kapag hind pumayag na i-sex ng mga husband. Kung kakausapin sila your honor ma-iimpyerno sila kapag hindi pumayag.” paliwanag ng translator.
“Sa baracks kamo maghakot buhangin. Naiyak na yumuko -bisaya – naiyak na – translator sa baraccks pinapakuha ng bangin inaatendance. Wala man eskwela. Walang pag aaral your honor 12 na edad niya hindi pa sya marunong sumulat.” pahayag ni Renz thru translator
“Kahit hindi pumapayag ang minor pilit na kinakasal kasi sugo ng diyos, kahit umaayaw, nasaksihan na.” tugon naman ni Renz
Meron ako nasaksihan isang babae tumakbo tapos, run after her we draft her – tapos kinasal talaga sila.” Kwento ni Vergel Gelsano thru translator
Itinanggi ni Quilario na hindi nila pinalalabas ang mga bata at iginit na walang pumipigil sa kanila para lumabas ng kapihan
Ayon kay Socorro Mayor Riza Timcang, noong 2019 nagkaroon ng massive dropout ng mga estudyante mula elementary hanggang high school na umabot sa 800 dahil binawalan na ang mga bata na bumaba o lumabas ng sitio kapihan.
30 percent lang aniya ng mga bata sa kapihan ang pinag aaral para makakuha naman ng ayuda mula sa gobyerno sa ilalim ng pantawid pamilyang pilipino program
“Sa Socorro talagang binawalan nila bumaba ang mga bata sa pag aaral massive during 2019 massive dropout of learners according to report of DepEd 800 ang nag drop out.” pahayag ni Mayor Riza Timcang
Meanne Corvera