Mga bilanggo ipinasasama sa priority ng babakunahan
Umapila si Senador Leila De lima sa Inter Agency Task Force O IATF na isama sa mga prayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga bilanggo.
Tinukoy nito ang mga bilanggo na nagsisiksikan sa mga bilangguan sa Metro manila.
Nasa panganib aniya na mabilis na mahawa ang mga bilanggo dahil wala namang umiiral na safety health protocols.
Tinukoy nito ang ulat ang Bureau of Jail Management and Penology na mahigit 300 percent na ang capacity ng mga bilangguan sa Maynila, Quezon city at iba pang lugar sa bansa.
Sa Manila city jail aniya, aabot sa isang libo lang ang capacity pero mahigit limang libo na ang nakakulong doon.
Naghain na si De lima ng Senate Bill 1146 o Medical parole act para mapalaya ang mga bilanggo ng may malalang sakit at mabigyan ng atensyon medikal sa labas ng bilangguan.
Meanne Corvera