Mga bilanggo sa Bilibid, ginagamit rin sa Gun for Hire at iba pang krimen
Ginagamit na rin umano ng mga convicted drug lords sa iba pang criminal activities ang mga bilanggo sa Bureau of Corrections.
Ito ang nakalap na impormasyon ni Senate President Vicente Sotto kaugnay ng gingawang imbestigasyon sa GCTA for sale.
Katunayan, sinabi ni Sotto batay sa kaniyang impormante na ilang bilanggo ang pinalalabas sa bilangguan para gawing killer o assasin.
Ang mga ito aniya ang pumapatay sa ilang pulitiko at mga biktima ng pananambang.
Inamin ni Sotto na nangangak ng nanganak ang kanilang imbestigasyon sa GCTA for sale kaya nabunyag ang ibat-ibang kaso ng karumal-dumal na krimen at mga katiwalian.
Kinumpirma nito na naisumite na kay Senador Richard Gordon ang pangalan ng mga opisyal na sangkot pati na ang mga pulis na dawit sa illegal drug trading.
Ikokonsulta pa aniya sa mga miyembro ng Justice at Blue Ribbon committee kung kailangan itong isapubliko o isusumite na lamang sa palasyo.
Ulat ni Meanne Corvera