Mga bilanggong nakalaya dahil sa GCTA na nasa abroad, hahabulin – Malakanyang
Gagawa ng paraan ang Pamahalaang Pilipinas para mapabalik sa bansa ang mga convicted criminals na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance Law o GCTA.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Adviser at Presidential Spokesman Salvador Panelo maaring gamitin ng pamahalaan ang lahat ng diplomatic protocol sa mga bansang kanilang kinaroroonan.
Ayon kay Panelo kung may extradition treaty ang Pilipinas sa bansang pinuntahan ng convicted criminal na lumaya dahil sa GCTA ay gagamitin ito.
Inihayag ni Panelo sa mga bansang walang extradition treaty ang Pilipinas maaaring kanselahin ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pasaporte para maobliga silang bumalik sa Pilipinas.
Niliwanag ni Panelo maliwanag ang kautisan ni Pangulong Duterte na dapat ma-account at maibalik sa kulungan ang 1,700 na convicted criminals na napalaya dahil sa GCTA.
Ulat ni Vic Somintac