Mga biniling tren ng gobyerno sa Dalian, pina-aaksyunan na sa DOTR
Pina aaksyunan na ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Transportation o DOTR ang mga biniling tren mula sa China para sa Metro Rail Transit-3 o MRT- Line 3.
Ayon kay Gatchalian, dalawang taon na ang nakalilipas nang bilihin sa Chinese company ang 3.8 billion pisong halaga ng 48 bagon pero hanggang ngayon nananatiling itong nakatengga.
Diin ni gatchalan, dapat kumilos na ngayon ang DOTR base sa findings at rekomendasyon ng independent auditor na inaasahang ilalabas ngayong March 10.
January 2018 ng kunin ng DOTr at MRT-3 management ang serbisyo ng German firm TUV Rheinland para magsagawa ng Independent Audit and Assessment Consultant sa nabanggit na Dalian trains.
Kailangan aniyang makapaglatag na ng kongkretong plano kung paano susolusyunan ang problema sa palpak na operasyon ng MRT na nagdudulot ng parusa at banta sa kaligtasan ng mga pasahero nito.
Ulat ni Meanne Corvera