Mga brand ng COVID-19 vaccine sa bansa maganda ang performance sa real world data – DOH
Umapila ang Department of Health sa publiko na pagtiwalaan ang mga COVID-19 vaccine na ginagamit sa vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, hindi dapat matakot ang publiko dahil lahat ng ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.
Katunayan, batay aniya sa real world data, maganda ang performance ng mga brand ng bakuna na mayroon ngayon dito sa bansa.
Ang real world data ay mga bakuna na naiturok na.
Napatunayan aniya na napapababa nito ang risk ng pagka ospital o pagkasawi dahil sa COVID-19.
Sa ngayon ang mga brand ng COVID-19 vaccine na ginagamit na dito sa bansa ay gawa ng Sinovac, Astrazeneca, Pfizer BioNtech at Gamaleya Research Institute ng Russia.
Madz Moratillo