Mga bukol na nakakakapa sa tenga, ilong at lalamunam, hindi dapat na ipagwalang – bahala ayon sa ekspert
Ang ENT o Otorhinolaryngologist ay doktor sa tainga, ilong, at lalamunan.
Kaya naman, kapag nakararanas ng pananakit ng tainga, ilong at lalamunan sa kanila dapat na magtungo ang pasyente.
Ang pamamaga ng lalamunan ay isang uri ng sintomas o senyales na dulot iba pang uri ng karamdaman.
Kabilang sa nararanasan ay pananakit, pangangati ng lalamunan, at mahirap na paglunok.
Ayon kay Dr. Louie Gutierrez, ENT Specialist mula sa East Ave. Medical Center, ang pinakamadalas na sanhi ng pamamaga ng lalamunan ay ang impeksiyon ng virus, subalit maaari din daw na ito ay dahil sa bakterya.
Kung pag-uusapan naman daw ang tenga, may dalawang pangkaraniwang sakit sa tenga ang maaaring maranasan.
Ito ay ang impeksyon sa labas ng tainga (swimmer’s ear) at impeksyon sa loob ng tainga (middle ear infection).
Sa ilong naman, karaniwang sakit na maaaring maranasan ng tao ay ang Sinusitis.
Ayon kay Dr. Gutierrez, ito ay maaaring bunga ng Bacterial o Viral infection. kapag ang bukasan daw ng sinus ay nagkaroon ng pamumuo ng mucus, ito ay madaling tirahan ng bakterya at mikrobyo.
Dr. Rene Louie Gutierrez, ENT Specialist, EAMC
“So kapag napansin nyo ang kakaibang bukol o mga karamdaman, kayo po ay mag pasuri sa ating mga e.n.t. head and neck specialist, lalo na sa mga kasapi ng society of otolaryngology head and neck surgery para po kayo ay masuring mabuti at mabigyan ng tamang lunas”.
Ulat ni Belle Surara