Mga bumabanat sa opening ng SEA Games binatikos ni Senate President Tito Sotto
Kinastigo ni Senate President Vicente Sotto ang mga hindi pa rin natitigil na pagbatikos sa opening ceremony ng Southeast Asian Games.
Nauna rito, binatikos ng ilang kritiko kabilang na ang anak ng Pangulo na si Mayor Inday Sarah ang opening ceremony lalo na ang paggamit ng background music na Manila habang pumaparada ang mga atleta.
Hindi man direktang pinangalanan, sinabi ni Sotto na tila sumobra ang dunong ng aniya’y mga pintasero.
Katunayan, pati aniya ang trabaho ng composer na sina Ryan Cayabyab, Jimmy Antiporda, Eloisa Matias at mga nag direk ng London Olympics ay nais pang pakialaman.
Sinagot rin ng Senador ang mga banat kung bakit recorded ang pagpapailaw ng torch na ginawa ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay Sotto, pre-recorded din ang opening noong 2012 London Olympics na pinangunahan nina Queen Elizabeth at character ni James Bond pero wala namang bumatikos.
Hindi na aniya nakapagtatakung ipapanalangin ng mga kritiko na matalo ang Pilipinas sa sarili nitong bakuran.
Naghahanap lang daw ang butas ang mga kritiko dahil mas maraming pilipino ang natuwa sa magandang kinalabasan ng pagbubukas ng SEA games.
Ulat ni Meanne Corvera