Mga bumabatikos sa pagkapanalo nina BBM-Sara, pinatitigil na
Dapat na raw tumigil ang mga bumabatikos sa pagkakapanalo ng tambalan nina Presumptive president Bongbong Marcos at Presumptive Vice president Sara Duterte.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, dapat tapusin na ang bangayan at palitan ng maruming akusasyon dahil tapos na ang eleksyon at nagsalita na ang mayorya ng mga Pilipino.
Dapat aniyang irespeto ang sinumang kandidato na pinili ng taumbayan dahil bahagi ito ng umiiral na demokrasya.
Dapat back to work na aniya ang lahat lalo na ang mga opisyal ng gobyerno alang alang sa kapakanan ng mahigit isandaan at labing isang milyong mga Pilipino .
Sinabi pa ng Senador tuwing eleksyon hindi talaga lahat ay pinapalad na maupo sa pwesto.
Bagamat masakit aniya para sa mga talunang kandidato, pero ito ay pasya ng mayorya ng mga Pilipino kaya mas mabuting mag moved on.
Masaya raw na bababa sa pwesto ang Pangulo dahil sa mga ginawa niyang pagbabago sa bansa at patuloy na pagtitiwala ng publiko.
Hanggang sa pagbaba sa pwesto ang Pangulo aniya ang may pinakamataas na approval .
Meanne Corvera