Mga Cabinet officials, pinatutulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagkontrol sa paglobo ng kaso ng Covid-19

Itinalaga ng Inter Agency Task Force o IATF ang mga Cabinet Secretaries at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga Local Government Units (LGU’s) sa National Capital Region (NCR) at karatig lalawigan upang suportahan at tutukan ang laban sa  Covid -19 Pandemic.

Layunin ng naturang hakbang na maipatupad ang National Government Enabled Local Government Led at People Centered Response ng pamahalaan laban sa Covid-19.

Batay sa IATF Resolution no. 62, ang Quezon City ay pinatututukan kina Health Secretary Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang Pasig City ay tututukan ni Education Secretary Leonor Briones at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ang Pateros ay tututukan ni MMDA Chairman Danilo Lim.

Ang Marikina City at Malabon ay tututukan ni Labor Secretary Silvestre Bello III at CHED Chairman Prosperso de Vera III.

Ang Taguig City naman ay tututukan ni DILG Secretary Eduardo Año at BCDA President Vince Dizon.

Ang Maynila ay tututukan ni DICT Secretary Gringo Honasan at ARTA Director-General Jeremiah Belgica.

Sa Mandaluyong City itinalaga si DTI Secretary Ramon Lopez. Si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon naman sa Makati City.

Si NEDA Acting Secretary Karl Chua sa San Juan City.

Si DOTr Secretary Arthur Tugade sa Muntinlupa City Si Secretary Carlito Galvez Jr. naman ang tututok sa Parañaque City.

Si DPWH Secretary Mark Villar naman sa Las Piñas City.

Si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa Pasay City.

Si Agriculture Secretary William Dar sa Caloocan.

Si DBM Secretary Wendel Avisado sa Navotas at si DOST Secretary Fortunato dela Peña sa Valenzuela City.

Nakasaad rin sa resolusyon na pinatututukan kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bulacan.

Kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Cavite.

Kay PCOO Secretary Martin Andanar ang Laguna Kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang lalawigan ng Rizal.

Kailangan rin na mahigpit na bantayan ng mga Cabinet officials ang Health system performance, Critical care capacity at Stringent compliance sa surveillance, isolation at treatment protocols ng mga LGUs upang makontrol ang paglobo pa ng kaso ng Covid 19.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: