Mga cardiologist, nanawagan kay Pang. Duterte na lagdaan na ang Executive Order sa Smoking Ban

smoking

Patuloy ang panawagan ng mga cardiologist kay Pangulong Rodrigo Duterte na  pirmahan na  ang Executive Order tungkol sa Smoking ban.

Kabilang sa mga nananawagan ay ang medical communities at health advocates gayundin ang mga cardiologist ng Manila Medical Center at Philippine Heart Association.

Ang executive order ay nagsasaad ng zero smoking sa lahat ng pampublikong lugar.

Hinihiling nila sa Pangulo na ipatupad na ito sa pamamagitan ng paglagda.

Magugunita na ang ban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ang  isa sa kampanyang ipinangako ni Presidente Duterte.

Malaking tulong ang naturang EO para mabawasan ang mga naninigarilyo sa bansa na nagiging sanhi ng patuloy na pagtaas ng dinadapuan ng lung cancer at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.

Ulat ni : Annabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *