Mga customer ng Maynilad sa QC, Caloocan, Valenzuela, at ilang bahagi ng Bulacan, makararanas ng water service interruption
Makararanas ng water service interruption ang Maynilad customers sa Caloocan, Quezon City, Valenzuela at ilang bahagi ng Bulacan simula ngayng araw (Dec. 5) hanggang Lunes (Dec.7).
Ayon sa Maynilad, bunsod ito ng maintenance work sa La Mesa Treatment Water Plant 2, na una nang naantala dahil sa epekto ng bagyong “Ulysses.”
Ang mga sumusunod na lugar na naka-post sa Maynilad Facebook account ang apektado ng nabanggit na interruption:
Inabisuhan naman ng water company ang kanilang mga customer na mag-ipon ng tubig.
Paalala rin ng Maynilad, “Kapag bumalik na ang supply sa inyong lugar, posible ang pansamantalang discoloration o paglabo ng tubig. Padaluyin ito ng panandalian hanggang sa luminaw. Maaari din gumamit ng malinis na tela bilang filter, siguraduhin lamang na regular itong papalitan. Pakuluan naman ang tubig na gagamiting inumin.”
Liza Flores