Mga dadalo sa pagpapatuloy ng Anti- Terror Law Oral arguments, obligadong magprisinta muli ng negatibong COVID swab test
Kailangan muling magprisinta ng negatibong resulta ng COVID RT- PCR test ang mga partido na dadalo sa pagpapatuloy ng oral arguments sa mga petisyon sa Anti- Terrorism law.
Sa abiso mula sa Office of the Clerk of Court ng Korte Suprema, sinabi na ang COVID test ay dapat na kinuha sa loob 72 oras bago ang oral arguments.
Sakop ng kautusan ang mga miyembro ng media na magku-cover ng proceedings sa loob ng Supreme Court
Sa Pebrero 9, Martes itutuloy ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang oral arguments.
Inaasahang ipagpapatuloy ng mga justices ang interpelasyon o pagtatanong sa abogado ng mga petitioners.
Moira Encina