Mga dambuhalang Commercial at Political billboard, ipinagbabawal ni Pangulong Duterte
Naglabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal na sa paglalagay ng mga dambuhalang Commercial at Political billboard.
Ito’y dahil maraming unregulated advertising signs na naglipana na nagiging traffic distraction at banta sa public safety.
Batay sa Executive Order o EO 165 regulated na ang mga billboard at out of home advertising signs.
Nakasaad sa kautusan ng Pangulo na kailangan may 5 metro na setback ang likuran ng billboard mula sa frontage habang kailangan din na pasado sa Philippine Electrical Code kung high tension wires ang gagamitin.
Ang mga electronic signs o LED billboard display ay dapat mayroon lang na minimum display area na 55 square meters.
Pati ang rooftop billboards kailangan ay hindi ookupahan ang higit sa 1/4 ng street frontage ng gusali habang ang distansiya ng mga itatayong billboard sa mga lansangan o highway ay kailangang may layong 100 metro mula sa isa pang billboard.
Maikukunsidera namang obstruction ang isang billboard kung wala sa 200 metro ang layo mula sa intended audience.
Vic Somintac