Mga dating Goverment officials at mga abogadong bumuo sa ‘Onerous contract’ sa pagitan pamahalaan at Manila Water at Maynilad, isasabit sa asunto -Malakanyang
Tiniyak na Malakanyang na hindi lamang ang mga may-ari ng mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad ang masasampahan ng kaso kundi pati na ang mga agents at lawyers na kumatawan sa gobyerno sa ibinunyag na ma-anomalyang kontrata ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lumabas na sinadya ng dating mga opisyal ng gobyerno ang pagbuo ng depektibong concession agreement na pumapabor sa Manila Water at Maynilad at agrabyado ang gobyerno.
Sinabi ni Panelo na inihahanda na ng pamahalaan ang kasong kriminal at administratibo sa mga sangkot sa pananabotahe ng ekonomiya ng bansa matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte.
Inihayag ni Panelo ginagawa lamang ng Pangulo ang mandato nitong protektahan ang taumbayan mula sa mga taong gustong pagsamantalahan ang bayan na pawang mayayaman at maimpluwensiya.
Nauna ng inatasan ng Pangulo ang Department of Justice at ang Solicitor General na bumalangkas ng bagong kontrata matapos na magalit dahil sa natukalasan nito na lugi ang gobyerno at ang taumbayan sa concession deal sa Maynilad at Manila Water na pinasok ng mga nakaraang administrasyon.
Secretary Panelo:
“Sabi ni Presidente, lahat ng mga involved dyan, abogado ng mga kabila, abogado ng gobyerno, kakasuhan niya ng economic sabotage pati na mga may ari kasi kumbaga nagkaroon na meron ng sabwatan. Hindi lang yan, ang isa pang nakita ko dyan, 25 years ang kontrata, aba eh nakaka 13 years pa lang sila nirenew na nila”.
Ulat ni Vic Somintac